Ang pamilya ay ang pinaka-importanteng parte ng ating buhay. Marami mang pagsubok ang kinakaharap ng pamilya o hindi kaya marami man tayong kinakaharap na problema dahil sa ating pamilya, nagsisilbi silang inspirasyon.
Noong nagtuturo pa ako ay naisip kong mainam maipakita sa mga bata ang isang biswal na representasyon ng bawat miyembro ng kanyang pamilya at ang pagkakaugnay-ugnay nila. Kaya naman gumawa ako ng simpleng family tree template kung saan ay ididkit ng bata ang litrato ng mga miyembro ng kaniyang pamilya. Ito rin ay may tatak o label ng mga pangalan ng bawat miyembro kabilang ang Lola, Lolo, Nanay, Tatay, Ate, Kuya at Bunso.
Sa pag-unlad ng ating lipunan ay tila nagiiba na rin ang kahulugan ng pamilya.
Sa totoo lang, ang paksa ng pamilya ay isa sa mga paksang medyo nahirapan akong ituro sa mga bata. Marami kasing iba't-ibang uri ng pamilya ngayon. Gustohin ko man na ituro ang ibang konsepto ng pamilya (lalo na ang mga pamilya na may magulang na kabilang sa LGBT community) sa aking mga estudyante noon ay kailangan ko ring isaalang-alang ang magiging reaksyon o maiisip ng kanilang mga magulang dahil hindi naman lahat ay tanggap ang ganitong realidad. Kaya naman gumawa rin ako ng bersyon ng family tree template para sa mga magulang na kabilang sa LGBT community.
Ito ang realidad, para saakin ay mainam na rin na malaman ito ng mga bata upang maiwasan na rin ang diskriminisasyon sa mga kaibigan nating kabilang sa kumunidad na ito pati na rin sa kanilang mga anak at para na rin magbigay kamalayan sa ibang tao.
Para sa mga magulang na nais itong gamitin, mainam kung kasama tayo habang ginagawa ito ng ating mga anak. Maganda itong bonding activity upang mapagusapan ang kasaysayan o magagandang alaala na nangyari sa inyong pamilya at upang mapagusapan din ang iba pang miyembro ng inyong pamilya.
Download:
Marami pa akong inihahanda na worksheet/resource material para sa paksang ito. Kaya watch out for part 2! Maraming salamat at hanggang sa muli.
No comments:
Post a Comment