Tuesday, 20 July 2021

Pagbilang sa Filipino



Magandang araw! Noon pa man ay natutuwa na ako sa paggawa ng worksheets. Ito siguro ang isa sa pinaka-paborito kong gawain bilang isang guro. Nais ko na rin noon pa ang ibahagi ang mga ito sa iba upang makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante lalo na't asa kakaiba tayong panahon ngayon. At masaya ako na unti-unti ko na binubuo itong website na ito para sa layunin kong iyon. 

Nais kong ibahagi sainyo itong mga Filipino worksheets na ginawa ko. Hindi ako dalubhasa sa wikang Filipino ngunit, napansin ko na onti lamang ang online resources na pwedeng makatulong sa ating mga chikiting upang matutunan ang wikang Filipino. 

Itong worksheets na ito ay makakatulong sa pagbilang sa wikang Filipino. 

1. Pagbasa at pagbilang sa wikang Filipino 3 pahina 

2. Pagsulat ng mga pangalan ng bilang sa wikang Filipino 3 pahina

Mainam na gumamit ng A4 size ng papel pag ito ay ipiprint. 

Sana ay makatulong din ito sa iba pa (hindi lang mga bata! haha!) na gusto rin matuto ng ating wika. Excited na ako ibahagi pa sa inyo ang iba ko pang mga gawa at matuto pa ng iba't-ibang paraan para makatulong sa pagsasanay sa mga mag-aaral! 

Salamat! Hanggang sa muli! Palaam! 

No comments:

Post a Comment